Fan ka ba ng Shaved Ice?? Ako, oo.
Naalala ko dati noong 1990s, pag katapos ng aking klase, dali dali akong kakaripas ng takbo sa pintuan ng aming eskuwelahan upang makabili ng “iscrambol”. Iba ibang kulay at flavor ang tinitinda ni manong. Pero ang pinaka sikat ay ang strawberry flavor na kulay pula na mala pink.
Habang ako’y lumalaki, unti unti nang nawawala ang mga nagtitinda ng paborito kong “iscrambol”. Kung dati’y nasa tabi tabi lang ng kalsada ito, naging sosyal na ito. Ibinebenta na ito sa mga mall. At para maging sosyal, nilalagyan ito ng powdered milk, sago at straw.
Lumipas ang maraming taon at tuluyan ng nawala ang mga “iscrambol” sa kalsada at sa mga mall.
Noong nakaraang taon ay pinalad akong makapasyal sa Hawaii. Sabi ng aking mga pinsan na doon na nakatira, dapat ko daw tikman ang matsumoto shaved ice. Napaisip tuloy ako…anong shaved ice??? Parang halo-halo??? Nang matikman ko ito, naalala ko ang paborito kong “iscrambol” na itinitinda sa kalsada. Yun nga lang, mas sosyal na bersyon. Mas magandang baso, mas sosyal na straw, at iba ibang kulay na.
Pero para saakin.. wala pa rin tatalo sa aking “iscrambol”
Posted from WordPress