Panahon na naman..ng Pag-ibig.

image

Masdang maigi ang mga
mata ng bawat tao,
nakasilip ang isang
bagong saya
at pag-ibig na dakilang
matagal nang nawala..

Panahon na naman..ng Pag-ibig!

February 13, 2016, 8pm, Music Museum.. ang kauna unahang pagkakataon na nasilayan ko si Rico Blanco. Kilala ko lamang sya sa mala anghel nyang tinig at ang mga nakakaantig na tema ng kantang mga kanta. Pero hindi ko talaga sya kilala. Ang alam ko lang, bukod sa maganda boses nya, medyo matangkad sya at payat. Ngunit kagabi, sinurpresa ako ni Paul…dalawang front row tickets sa “Your Alternative Concert” ni Mr. Rico Blanco. Apat na oras namin inenjoy ang bawat tugtog, sabay indak sa mga nakakagiliw na kanta nya. Pag katapos ng concert, hindi ko inakala na makakaharap ko si Rico Blanco. Walang boses na lumabas sa aking bibig kundi “hi.” At nang kami’y umuwi, isang malakas na tawa at yakap kay Paul ang aking ginawa.

Salamat Paul. Salamat sa sorpresa mo saakin ngayong araw ng mga puso.

Totoo nang Panahon na naman ng Pag-ibig.

1 thoughts on “Panahon na naman..ng Pag-ibig.

Mag-iwan ng puna